Miyerkules, Disyembre 26, 2018

Ang Dalawa sa Paborito Kong Patinig


Ang Dalawa sa Paborito Kong Patinig
ni: louiE Ace b. manalad

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan, kagaya nang kung paano nagsimula ang ating pagkakaibigan, hanggang ngayon hindi ko alam. Naalala ko isang linggo bago ka pumasok sa buhay ko nagdasal ako noon sa Adoration Chapel sa Cathedral na handa na ulit akong magmahal, kung sino man ‘yung taong darating tatanggapin ko, magbibirthday ko no’n. Hanggang sa dumating ka September 16, hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang sasabihin, basta lahat hindi ko alam.  Iyon ang unang pagkakataon na may isang tao na nagpakita sa akin na mahalaga ako, pero, nakaramdam ako ng kaba at takot. Kaya na-seenzone at na-inboxzone kita. September 23, nagpaalam ka. Nakaramdam ako ng lungkot, lungkot na ako mismo ang may gawa, hindi kita ipinagtabuyan, pero hindi rin kita hinayaang makapasok sa mundo ko, mundo ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam, hindi pa rin ako sigurado. Every time na pumupunta ako sa Adoration Chapel, lagi akong nagtatanong kung tama ba ang naging desisyon ko, tama ba na tinalikuran ko na naman ang pagkakataong maging masaya. Kasi pakiramdam ko hindi kita deserve. Eto ka, eto lang ako. Sabi ko sa sarili ko, you deserve better pero hindi ako ‘yun.

Lumipas ang ilang buwan, nakita kong masaya ka naman, okay ka naman, kahit sa pictures lang. Pero iba ‘yung nararamdaman ko tuwing nakikita kita, may nararamdaman ako na hindi ko ma-explain (once and for all, hindi ‘yon pandidiri). Sobrang tagal na noong huli kong binuksan ang puso ko sa iba, nagtiyaga, umasa ngunit nauwi rin wala.Ang tagal na noong huling beses akong nakaramdam ng genuine happiness mula sa ibang tao. Kaya siguro ako nagkakaganito, hindi ko lubusang maipakita sa tao/sayo ang tunay at totoo kong nararamdaman. Natatakot akong masaktan. Natatakot ako sa panandaliang kasiyahan.

First week of December, tuwing pumupunta ako sa Bayan nasanay na akong laging pumunta sa Adoration Chapel, as usual ipinagdasal kita at humingi ng sign na once na nag-chat ka sa akin hindi ko na pipigilan ang sarili ko na maging masaya. Kahit nandoon ‘yong tanong na, “Ganoon pa rin kaya ang tingin n’ya sa akin?”, natatakot pa rin ako. Napakabilis lumipas ng mga araw, December 16 out of nowhere, nag-chat ka, napansin mo kaagad na napaka- straightforward ko. Halos walang paligoy-ligoy. Noong sinabi mong “I miss you” sumagot kaagad ako ng “Miss you too”. Sabi ko bahala na. pero I drop the biggest bakit “Bakit ako?” sabi mo “Pinipili ba ‘yon”. Believe it or not ilang araw yong tumatakbo sa isip ko, still tinatantya ko pa rin ang sarili ko pero go on wil the flow lang.
December 24, galing kang Trinoma. Iyon na ‘yong pinaka I can’t breathe moment ng buhay ko. Akala ko eto na yung Plot Twist na hinhintay ko.  Napakasaya ko noon, dami kong tawa mga wampipti. Kaya ang tanong ko “seryoso ba?”, behind those “hala, seryoso nga” gusto ko na ring seryosohin. (Again hindi ako nagpi-freak out)   Sinusubukan ko nang buksan ang  buhay ko sa ‘yo, (na hindi ko naman ginagawa sa iba) I don’t know if will this sounds like SUPER OA, dahil hindi naman tayo masyadong magkakilala, ang alam ko lang mabuti kang tao. Gusto kong sumugal pero natatakot ako sa magiging outcome, hindi lang para sa akin, kundi lalo na para sayo, para sa atin.

Thank you for being part of my 2018, na kahit puro downs ang naranasan ko, dumating ka para pasayahin ako. Salamat sa lahat ng tawa. Thank you for making me feel na puwede rin akong maging importante. Sorry for being selfish, di ko alam kung nandiyan ka pa rin this coming 2019. Basta salamat sa lahat.

Shit! Di ko alam kung bakit ako naluluha. (Di ko rin alam kung mababasa mo ‘to).