Wikang
Daynamiko
Ni:
G. Louie Ace B. Manalad, LPT.
Ninuno’y
gumamit ng labing-apat na katinig
Baybayin
kung tawagin na may kasamang tatlong pantig
Ngunit
nag-iba paglipas ng panahon,
Pagka’t
wika’y daynamiko, umuunlad, nagbabago
Pagdaong
ni Magellan, kristianismo’y tangan-tangan
Biblia
ay kinasangkapan upang lupain ay makamkam
Pananalita
ay nabago, ipinakilala ang abecedario
Relihiyon
ang pinapaksa, tahanan ma’t paaralan
Panahon
ng Himagsikan, umusbong ang Panitikan
Sanaysay,
Tula, akdang hitik sa damdaming makabayan
Ingles
ang naging panturo, pagdating ng mga Kano
Kultura
nilang kanluranin, niyakap nating buong-buo
Nang
tayo’y makalaya sa mananakop na banyaga
Unti-unting
bumangon, nagbalik-tanaw sa’ting wika
“Wikang
Pagkakakilalan”, sa Pinas ay kinakailangan
Kaya’t
“Ama ng Wikang Pambansa” naglabas ng kautusan
Tagalog
ang s’yang hinirang na Wikang Batayan
Pinagyabong,
pinagyaman, Wikang Filipino’y isinilang
Dalubwika’y
nagpulong, muling nagkaro’n ng rebisyon
Nagdagdag,
nanghiram, Alpabeto’y pinaunlad
Ang
tao’y matalino, ang panaho’y nagbabago
Kinikilala
iba’t ibang kultura, wikang banyaga’y kinakabisa
Kaya’t
Buwan ng Wikang Pambansa ating pinagdiriwang
Upang
sa modernong panahon Wikang Filipino’y ‘di malimutan