Kanino Nakasalalay ang Tagumpay?
Ni: Louie Ace Bulaong
– Manalad
Isang pirma, ilang bilog na marka sa balota
at tinta sa daliri, hudyat na muli nating ginamit ang ating karapatan na mamili
at magluklok ng isang tao na s’yang magiging pinuno ng ating bayan. Isang
pagkakataon na minsan lang maganap. Isang pagkakataon na kailangan pag-isipan
dahil isang maling desisyon ay pagdurusahan natin sa susunod na taon. Pero ano
nga ba ang katangian ng isang magaling
na leader? Ano nga ba ang dapat niyang taglayin?
Katulad
sa paaralan, lalo na tuwing may pangkatang gawain nagluluklok tayo ng isa
nating kamag-aral na alam nating may kakayahan, kaalaman at abilidad na mamuno
sabi nga natin ang isang leader ang mangunguna (sa ayaw at sa gusto mo) sa kanyang mga kamiyembro sa mga bagay na
kanilang gawin. Tama, ang leader ang siyang nangunguna. Siya ay nagdedesisyon
hindi lamang sa kanyang sarili ngunit kasama ng kaniyang mga kamiyembro. Ngunit
ang isang leader lamang ba ang may responsibilidad? Hindi ba’t may malaking responsibilidad din ang kanyang mga
kamiyembro?
Kahit
kailan ay hindi magtatagumpay ang isang leader kung hindi siya susuportahan ng
kanyang mga kamiyembro. Kung hindi siya tutulungan sa mga bagay na kanyang nais
matupad. Kung hindi s’ya susundin sa mga bagay na kaniyang inuutos na alam
niyang makabubuti sa lahat. At hindi s’ya matatawag na leader kung hindi s’ya
pinakikinggan ng kanyang mga kamiyembro.
Sabi
nga ni Rosalynn Carter, “A Leader takes people where they want to go. A Great
Leader takes people where they don’t want to go, but ought to be.” Minsan kasi
nabubulag tayo sa mga bagay (o sa Leader) na hindi natin gusto. Na akala natin
hindi iyon ang makabubuti sa atin. Pero hindi natin alam na iyon pala ng tama.
Iyon pala talaga ang makabubuti sa atin. Iyon pala ang tamang landas na dapat
natin tahakin. Ngunit kailan pa natin malalaman iyon kung ngayon pa lang ay
hindi na tayo marunong makinig, hindi tayo marunong sumunod at hindi marunong
magpasensya at umunawa. Tandaan sana natin na sa paaralan man o sa buong bansa
ang usapin ng pagiging leader, malaking bahagi pa rin ang ginagampanan ng isang
indibidwal sa ikatatagumpay ng leader na kanyang pinili (kahit hindi), at kung
siya naman ay hindi magtagumpay tiyak na iyon ay atin ding kawalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento