“Time Flies
so Fast!”
Ganoon lang kadaling lumipas ang
sampung buwan. Dati ako ‘yong ga-graduate, ngayon, may graduates na ako.
Nagsimula
sa pagpapakilala ...
Sinubukang
kilalanin...
At ngayon
magpapaalam na.
That’s life, sabi nga ng iba. May mga
tao talagang itinadhana upang dumaan lang sa buhay mo, para matuto ka at para
matuto sila sayo, as a teacher ‘yon talaga ang katotohanan.We need to grow, we
need to move on, we need to face the new challenges of life, and we need to
take a risk. Hindi tayo puwedeng tumigil, hindi tayo puwedeng manatili sa alam
nating komportable tayo. Kaya nga ‘yong sinanabi nating RIZAL AS ONE, hindi
natin ‘yon kayang panindigan.
Maybe this is the time para
makapagpasalamat sa lahat ng mga bagay na natutuhan ko sa inyo, sa lahat ng
nakabubuwisit na pagkakataong magkakasama tayo, sa lahat ng mga pagkakataong
gusto ko nang pumatay ng estudyante, sa lahat nang pagkakataong gusto ko na
kayong itulak sa hagdan isa-isa at syempre sa lahat ng pagkakataong naging
masaya tayo. Hindi ko ugaling kalimutan nalang ang mga “bangungot” na dinanas
ko sa inyo, kasi naging parte ‘yon ng buhay natin pare-pareho, isa na iyon sa
dahilan kung bakit ako naka-survived ng
sampung buwan kasama kayo.
I know that I’m not a perfect adviser,
pero alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat. Salamat sa pagtitiwala, sa
lahat ng batang tumulong sakin para maka-adopt sa Holy, alam niyo naman kung
sino kayo.
Congratulations! And Good Luck sa
Senior Year niyo, marami pa kayong tao na makikilala, marami pa kayong problema
na haharapin. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, ngayon pa lang ang simula ang
totoong laban ng buhay, kung saan sarili niyo nalang ang kakompetensya niyo.
Sana dumating ang time na malaman kong naging successful kayong lahat. Hindi
natin alam ang takbo ng buhay, napakarami pang bagay na puwedeng magbago.
Your not so perfect class adviser SIGNING OFF,
louieacebmanalad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento