Pagmamahal at Pagkabigo
Ni: Louie Ace B. Manalad
“The greater your capacity to love, the
greater your capacity to feel the pain”
-Jennifer
Aniston
Kapag nagmahal ka dapat ay handa ka
ring masaktan, handa kang mabigo at handa kang tumanggap ng pagkatalo. Dahil sa
pagmamahal hindi puro kasiyahan, hindi laging ok ang lahat. Dahil darating yung
oras na magiging malungkot ka at makakaramdam ka ng sakit. Sabi nga nila“The more you love, the more you are prone
to have pain”. Natural lang naman iyon, dahil hindi ka naman masasaktan
kung hindi ka tunay na nagmamahal, bawat matamis na ngiti ay may katumbas na pait.
Pero alam mo ba kung bakit tayo lubusang
nasasaktan? Masyado kasi tayong naniniwala sa mga pelikula na ating pinanunuod,tulad
ng Walt Disney o kaya ay Grimm’s fairy tales. Mga palabas na nagpaniwala
sa atin na may forever, happily ever
after at happy ending. Siguro,
totoo ngang may happy ending, pero bago
tayo makarating doon ay kailangan muna nating kalabanin ang mga kontrabida sa sarili
nating pelikula, o ‘di kaya ay talunin ang mangkukulam na sumumpa satin. Sa madaling
sabi, kailangan muna nating masaktan at kailangan muna nating matuto sa ating mga
pagkakamali. Dahil sa pagmamahal ay nagagawa natin ang mga bagay na di
inaasahang magagawa natin o ‘yong mga bagay na akala mo ay hindi mo kaya.
Kailangan muna nating dumaaan sa mga pagsubok. Pagsubok na siyang magpapatatag sa
atin, pagsubok na siyang sumusukat kung hanggang saan ang kaya nating itaya o
isugal sa pag-ibig. Oo, ang pag-ibig o pagmamahal ay isang sugal. Nandiyan na
‘yong minsang sabay kayong nangarap, sabay bumuong mga plano sa buhay at
umaasang balang araw ay matutupad ang lahat ng iyon. Ngunit darating ang panahon nagigising kang namumugto
ang mga mata at maiisip mo na mag-isa ka
na lang palang nangangarap. In
short,expectations. Ganoon pa man ay maiisip mong bumangon, upang buuin ulit
ang iyong sarili na minsan ng winasak ng pag-ibig.
Minsan ay naiisip na nating sumuko.
Iyong pakiramdam mo ay isinumpa ka o kaya’y pinaglalaruan ka ng tadhana. Dumadating
din sa puntong tinatanong natin ang ating sarili tulad ng, may kasalanan ba akong
nagawa?,ano ba ang naging pagkukulang ko?. At maiisip mong naging mabait ka naman
at walang inaaapakang tao. Pero bakit parang pinagkakaitan ka ng pagkakataon na
lumigaya. Hindi naman talaga luha ang sukatan kung gaano ang sakit na ating nararamdaman,
kundi ang mga pilit na ngiti na ating ipinakikita sa ibang tao upang masabi lang
na ayos lang tayo.
Minsan naisip ko, bakit hindi na lang
pagtagpuin ‘yong mga taong alam ang tunay na konsepto ng pagmamahal. Iyong mga taong
hindi kayang manaki ng damdamin ng iba, ‘yong mga taong hindi kayang mang-iwan at
‘yong mga taong may malawak na pang-unawa sa pagmamahal. Siguro nga ay hindi puwede
dahil kailangan maranasan ng bawat isa ang masaktan. Iyon ang magiging daan upang
malaman natin ang kahalagahan, hindi lang ng taong ating minamahal, kundi ang
kahalagahan ng ating sarili. Lagi nating tatandaan na sa bawat sanga-sangang problema
at pagsubok na ating pinagdadaan ay may malalim na ugat na siyang nagpapatibay sa
atin.
“Pain makes you stronger, Fear make you
braver and Heartbreak makes you wiser”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento