Ni: Louie Ace Bulaong – Manalad
Mabilis kong tinawag ang nurse at pinakuha ko ng
stretcher. Dali-dali nilang ibinaba ang aking ina sa Ambulansya na wala pa ring
malay at duguan.
Pagsisissi lang ang nasa isip ko habang tumatakbo
patungo sa Emergency Room. Kung hindi sana ako naging pasaway. Kung hindi ko
sana s’ya nasabihan ng mga masasakit na salita. At kung hindi ko sana binalak
lumayas, sana’y nasa maayos s’yang kalagayan. Sana’y hindi siya nabundol ng
sasakyan noong tangkain n’ya akong habulin. Ngunit lahat ng iyon ay mga
pagsisisis na lamang.
Biglang lumabas ang nurse sa Emergency Room.
“ Ma’am, kayo po ba ang anak ng pasyente?”
Tumango lang ako habang nakatulala.
“Maraming dugo na po kasi ang nawala sa pasyente.”
“Handa po akong mag-donate, Type A po ako.” Mabilis
kong sagot.
“Naku Ma’am, hindi po kayo kadugo ng pasyente.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento