Pagkapit sa Manibela
Ni: Louie Ace Bulaong – Manalad
Tumatakbo
ang oras. Lumilipas ang panahon. Sa tuwing may pintuang magsasara laging may
panibagong pintuang magbubukas. Hindi
natin namamalayan ang mabilis na pag-ikot ng mundo. Kung dati ay inip na inip
tayo, ngayon naman ay parang gusto muna nating pahintuin ang oras upang sulitin
ang mga nalalabi pang araw ng pagiging isang estudyante. Estudyante na minsang
nangarap at ngayon ay makakamit na nya ang pangarap na iyon.
Masaya
ang pagtatapos. Lahat ng paghihirap mo ay masusuklian na. Lahat ng mga problema
at pagsubok na iyong pinagdaanan ay isang kuwento na lamang. Mga pagsubok na
minsang nagpatibay ng iyong loob. Mga problemang nagpahaba ng iyong pasensya.
At mga suliranin na naging dahilan upang ikaw ay maging matapang. Mga kuwento
na laging magpapapaalala sa iyo sa hinaharap na hindi ka dapat sumuko sa ano
mang laban sa buhay. Masayang isipin na napatunayan mo na na kaya mo, sa kabila
ng mga taong hinuhusgahan ka noon.Nakatutuwang isipin na konting tiis nalang ay
masusuklian na natin ang mga paghihirap ng ating mga magulang at kung sino mang
tao na gumabay at tumulong sa atin. Hindi man ikaw ang nanguna ang importante ay nagawa mong tapusin ang karera
na inumpisahan mo. Tapos na ang kompetisyon, ngunit ang kompetisyon sa totoong
buhay ay nagsisimula pa lamang. Dito masususkat kung gaano talaga tayo katatag.
Nakatatakot kung iisipin ngunit ito ang katotohanan.
Malungkot.
Bakit? Dahil malalayo ka na sa mga taong tumulong sayo upang ikaw ay makasabay
sa agos ng buhay. Mga kaibigan. Mga kakilala. Mga taong naging malaking parte
ng buhay mo. Mga taong nakaimpluwensya sa iyo. At mga taong hindi ka iniwanan
sa kahit na anong pagsubok. Mga taong kasabay mo sa karera ngunit kahit kailan
ay hindi naisip na ikaw ay sapawan. Nakalulungkot isipin na baka ilang buwan pa
bago ulit kayo makita-kita. Ilang buwan pa upang muli kayong magkasama-sama.
Ngunit ganoon talaga ng buhay. May umaalis at may bagong darating. Hindi
puwedeng manatili na lamang tayo kung saan tayo mas komportable. Kailangan
nating tuparin ang sari-sariling mithiin sa buhay. Kailangan na nating tahakin
ang direksyon na ating napili. Sabi nga sa Three Simple Rules in Life no. 1: If
You do not GO after what you want you never have it. Kailangan ipagpatuloy
natin ang ating buhay, kailangan nating mapursige dahil ito na ang katoohanan
na tayo na ang magmamanubela sa landas na ating tatahakin. Mabigat na
responsibilidad. Mas mabigat na pagsubok.
Masayang
isipin ang nakaraan at ang mga bagay na iyong napagtagumpayan. Ngunit
nakatatakot harapin ang bagong mga pagsubok na iyong dapat suungin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento