Pantawid
Gutom
Ni: Louie Ace Bulaong – Manalad
“Wag
matakot, makibaka”, “Wag matakot, makibaka”, “Wag matakot, makibaka”
Paulit-ulit
nilang sinisigaw ang mga katagang tumutuligsa sa kung anong kabulukan sa
sistemang hanggang ngayon ay pinoproblema pa rin ng mamayan. Sigaw dito, sigaw diyan,
taas ng mga plakard. Sabay martsa. May bata, may matanda, may dalaga, may
binata, may babaeng may dalang anak, may batang sipunin. Hindi nila alintana
ang matinding sikat ng araw at maging ang umuusok na kalsada. Mayamaya ay may
dumaang trak binuksan ang likod ng trak at biglang naglapitan ang mga
nagsisipagmartsa. Matapos mabigyan ng Burger at Palamig ay unti-unti na silang
nawala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento