Biyernes, Abril 29, 2016

Happiness Makes me Paranoid






Happiness Makes me Paranoid
Ni: Louie Ace Bulaong – Manalad

“Happiness is a journey,not a destination.”
Paano nga ba maging masaya? To be honest pati ako hindi ko pa rin alam kung paano maging masaya. Sabi nila kapag marunong ka raw makunteto magiging masaya ka. Sabi ko sa sarili ko “marunong naman akong makuntento a,  bakit di pa rin ako masaya?” Akala ko kapag nakatapos  na ako ng kolehiyo iyon na ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Pero, parang nagkamali ata ako. I don’t know why pero until this point hindi pa rin ako masaya.Hindi katulad noong elementary at high school ako, excited ako tuwing naririning ko ‘yong graduation march kahit paulit-ulit lang ‘yong practices.
May nagtanung nga sakin. “Edi napakasaya mo  nung graduation mo?” napatigil ako and I ask myself naging masaya nga ba ako?  Ang pakiramdam ko kasi that time, it’s just an ordinary day. Hindi ko talaga alam kung bakit. Kung ano-anong hypothesis na ang pumapasok sa isip ko, “Baka kasi ang natupad lang ay ang pangarap ko sa buhay at hindi ang pangarap ko sa aking sarili.” “Baka hindi talaga ako para sa pagtuturo? Baka hanggang ngayon nakakulong pa rin ang ako sa pangarap ko na maging isang Chef.” That is my ambition since I was in elementary; I gave up on it when my mother told me that she cannot send me in college but hopefully my uncles and unties help me to pursue in college. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang dahilan, na-enjoy ko naman ang pagiging education student ko. And I know someday I can make all those dreams came true.
Sabi nga do’n sa isang quotes na nabasa ko, “Happiness will never come to those who don’t appreciate what they already have.”  But my brain answers: I appreciated all I have, I been thankful for all the blessing that I received.  Tuwing gabi paulit-ulit na tumatakbo ang ganitong bagay sa aking isipan. Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili. Paulit-ulit kong dinarasal na sana dumating ang panahon na masagot ang lahat ng katanungan na gumugulo sa aking isipan. And Jesus answered my prayers. One night I realized that RESPONSIBILITY is the reason why I didn’t enjoy my life. Every day I was thinking about the responsibility that I will carry when I start working. Lagi kong iniisip na kailangan kong maging responsable. Kailangan kong magpaaral ng kapatid. Kailangan kong pakaiinin ang pamilya ko. Kailangan ko nang mag-review para  sa LET. Kailangan kong makapasa para hindi ako maging kahiya-hiya. At kung ano-ano pang bagay  na sa tingin ko iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagiging masaya. Marami pa akong PANGARAP sa buhay. Sad to say but isa ‘yon sa dahilan kung bakit hindi pa rin ako/tayo nagiging masaya. Sabi kasi ng kaklase ko “Hangga’t may pangarap ang isang tao, hindi s’ya magiging masaya kasi hindi pa rin s’ya kuntento sa bagay na mayroon s’ya.” Iniisip ko na lang na baka kapag nagawa ko na ‘yong mga responsibilidad at natupad ko na ‘yong mga pangarap na iyon ay magiging masaya na ako.  
Hindi madaling maging masaya pero may natutuhan ako sa gabi-gabi kong pag-iisip, na hindi lang tayo ang nagdidikta kung kailan tayo magiging masaya, na malaki ang papel naginagampanan ng lipunang kinabibilangan mo at mga taong nakapaligid sa’yo sa kung paano mo tingnan ang iyong sarili. Kung pa’no mo pasalamatan ang mga bagay na natatanggap mo. Kung paano ka makunteto (kung marunong kang makuntento). At higit sa lahat kung paano ka magiging masaya sa kabila ng responsibilidad na kailangan mong dalhin habang ikaw ay naglalakad sa direksyon na iyong piniling tahakin.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento